Martes, Oktubre 02, 2012

KAPILAS NG AKING SARILI







Paloko ka, tuwing magtatagpo ang ating landas, hindi nawawala ang mga tanong mong umuukilkil sa aking tenga. Ang kulit. Bakit mo ba ako natawag na pulubi? Dahil ba sa aking itsura? Dahil ba wala akong pera? Dahil ba sa pagala gala lang ako sa lansangan? Dahil ba sa kinakausap ko ang aking sarili habang nakalahad ang kamay sa harap ng nagkakaripasang mga tao? Ha, mali, kinakati tuloy akong isambulat ang iba't ibang ako. Ilalakbay ko ang diwang bulag o di kaya ay may piring ng sinumang tumatanghod dito sa mga lugar na hindi pa nila nararating. 


Punta tayo sa kalunsuran, nandoon ako sa tabi ng isang tindahan ng mamahaling pagkain, umaamot sa kusing na maaring bahagi lamang ng sukli ng sinumang bumili. Sindikato ang turing sa akin ng iba? Walastik, iisipin ko pa ba ang sindikatong iyan? Sindikatong kumakalam ang tiyan at umaasa sa baryang ihuhulog sa lata ng sardinas na aking daladala. Iyon nga siguro ako. Pumupustura din ako at umaangulo sa isang makipot na upuan na nalalambungan ng kumukutikutitap na ilaw. Halos ipakita ko na ang aking kaluluwa maakit lamang ang espiritu mo. Titigan mo ako at masisilayan mo ang ngiting magpapataas ng iyong temparatura. Wala akong pakialam kung sumabog man ang mura kong ugat sa laki ng kagaguhang gagawin mo sa akin kung ang kapalit naman nito ay ang pagkaing dadaan sa bibig ng mga sa akin ay umaasa. Kapit sa patalim ika nga.  Itunghay mo ang iyong paningin, nandoon din kaya ako sa pinakamataas na gusaling iyon, nagtatrabaho. Nakakurbata at bitbit ang maleta habang nakabuntot at hindi magkanda ugaga sa pagsunod sa bawat kumpas ng kamay mula sa maputing mataas na lalakeng siyang aking amo. Ang iba nga ay mestiso o kaya singkit pa. Meron ding sakang. Pero mababait ang mga iyan, ang nagpapasahod sa talino at hirap na inilalaan ko para sa mas matatag na pag-aari nila. Astig diba? Pero sana naisip ko na mas astig kung ako ang pinaglilingkuran nila sa sariling akin. 


Doon na nga lang sa probinsya, maayos ang pamumuhay ko doon. Sa tabi ng ilog at naglalaguang gubat. Simpleng simple lamang. Sipag lamang ang aking puhunan at meron na akong ihahain sa mesa. Negosyante din ako at likas sa akin ang kabaitan, kita mo naman dinala ko dito sa probinsya ang aking negosyo. Tinulungan ko ang ibang kagaya ko na magkaroon ng trabaho. Pabrika, Paultry, Piggery, Laboratoryo at iba pa. At ang latak ng aking produkto ay sa ilog ang lagakan. Ayos, sinong magrereklamo kundi iilan lamang. Subukan nilang banggain ako at tiyak na may kalalagyan sila sa akin. Puputulin ko ang mga puno, yaman ko ito eh kaya dapat kong pakinabangan. Anong patago o may pailalim na kasunduan? Hindi ah. Alam ito ng kinauukulan dahil ako din mismo ang kunauukulan.


Nakapaglibot na din ako sa buong mundo. Iba't ibang kadahilanan ang aking naging paglalakbay sa iba't ibang lupalop ng daigdig. Sikat ako eh. Walang hindi nakakakilala sa akin. Ipinagmamalaki kong ako'y isang may kayumangging lahi. Kilala ako sa larangan ng palakasan. Sa dami ng lahing aking pinaluhod at pinabagsak ng aking kamao. Dangal ako ng aking lahi. Marami pang  dahilan kung bakit kilala ako sa iba't ibang larangan, mas nangingibabaw ang aking katalinuhan na gusto ko sanang magamit sa sarili kong bayan pero matindi din ang aking pangangailangan na hindi naman kayang tugunan ng dapat sana sa akin ay nakikinabang. Mahirap malayo sa piling ng mga kaanak subalit kailangan kong labanan ang kalungkutang ito para lamang may maibigay na rangyang hindi ko makita sa sariling akin. Naghuhugas ako ng puwet ng may puwet. Ipinaghahanda ko ng pagkain ang pamilyang hindi ko naman kakilala pero sa akin ay kumukupkop. Nakabilad ang aking katawan sa ilalim ng napakainit na araw, tumatagktak ang pawis at nakikihalubilo sa mga taong hindi naliligo o naglilinis man lang ng katawan. Minsan pa nga hindi na ako bumalik sa aking pinagmulan, pinilit kong yakapin ang kulturang hindi naman taal sa akin. At dumating ang puntong ako'y mistulang dayuhan sa sarili kong bayan. Marami pang ibang kadahilanan ang aking ginawang paglisan. Sa kabila ng lahat ng ito, nasilayan mo ba sa akin ang kalungkutan? Likas akong masayahin at diyan mas kilala ang aking lahi.


Pasyalan mo ako sa palasyo at mararamdaman mong hindi ako pulubi. Walang amoy ng bulok na basura   pero marami kang makikita na plastik. Pasyalan mo ako sa aking upuan at masisilayan mo ang rangyang aking ipinagkait sa iba. Iniluklok ako dito ng ating mga sarili kapalit ng mga pangakong aking binitawan. O kung hindi man ay binago ko ang mga numero ng resulta gamit ang eskwalang bakal na nakasubo sa bibig ng nagtatangkang sa akin ay pumigil na makapaglingkod sa aking bayan. Ayaw mong maniwala? Sige na nga, na makapangurakot sa kaban ng aking bayan. Madali naman akong lapitan kung ikaw ay aking kamag-anak o di kaya ay aking kaibigan o di kaya kung ako ay mapapakinabangan mula sa iyo. Pumasok ka sa aking opisina at mag-usap tayo. 


Hindi na ako lalayo pa, samahan mo akong galugarin ang aking sarili. Iyong sarili ko mismo. Oo, mahirap lamang ako na umaasa sa grasya ng aking mga karatig. Hindi naman dapat ito nangyayari kung may sistema lamang na nasusunod sa aking kinabibilangan. Mayaman naman talaga ako. Wala lamang ito sa tamang paggamit ng aking yaman. Ito ay nasa kapakinabangan lamang ng may matatamis na pananalita na s'yang ating pinagkatiwalaan. Oo, Pulubi ako sa tingin ng iba. Pero sa kabila niito, meron akong cellphone, meron akong iphone, meron akong Tablet, meron akong Laptop. Magpapahuli ba ako? Pulubi ba ako? Sa kahit na anong paraan ay pinilit kong makaroon ako nito, sinong makapagsasabing ako ay isang dukha? Kung tutuusin, mabubuhay ako ng wala ang mga ganitong aparato sa buhay ko. Pero Unti unti nitong ginagawang maging parte na ng aking pagkatao na kapag nawala parang katapusan na ng mundo. Ewan ko ba. Asitg kasi eh. Ayaw kong magpahuli.  Kumalam na ang sikmura pero  nakakasabay naman ako sa uso. Baluktot na katwiran. 


Ang aking mga nasambit sa iyo ay kapilas lamang ng aking sarili. Tulad mo at ng mga nagawa mong tama at mali, sadya man o hindi, ikaw din ay aking bahagi. Bakit hindi mo subukang lumabas ng bahay habang lumuluha ang langit, hindi naman bawal ang maligo sa ulan. Buksan mo ang nakapinid mong isipan, paliparin ang diwang nakakubli sa karangyaan o kahirapan ng iyong buhay.  Baka sakaling iyong marating ang aking mga napuntahan. Hindi ang  lugar kundi ang katotohanan ng mga pangyayari. At doon iyong matagpuan ang kasagutan sa mga hindi mo naman itinatanong subalit kumakatok sa iyong agam agam. Walang katapusan ang ating  paglalakbay. Hindi natin natatanaw ang dulo ng daan. Marami pa tayong maaring patunguhan. 



__________________________________________________________________________________



***Likhang lahok para sa kategoryang "Maikling Kwento"



SARANGGOLA BLOG AWARDS





sa pakikipagtulungan ng:





46 (na) komento:

  1. isang mahusay na akda mula sa iyo! may laban ito sa maikling kwento. mukhang kayo ni will ng melikesart ang magkakabangga :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. maraming salamat sir bino. ang iyo mang akda ay may laban din.

      di ko kilala si sir melikesart. mapuntahan nga. :)

      Burahin
  2. "Tulad mo at ng mga nagawa mong tama at mali, sadya man o hindi, ikaw din ay aking bahagi."

    Natamaan din ako dito. Haha. Baka mabaliw ako pag walang selepono. Nagdudugo talaga ilong ko kahit tagalog ang gamit mo. Lol.

    Goodluck sa entry mo ser!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sanay lang po sa ating wika. palibhasa eh laking probinsya at taal na kabitenyo kaya may kalaliman ang aking pananagalog.

      salamat po sa muli nyong pagbisita sir gord ^^

      Burahin
  3. Hi Tambay,
    napakagandang kwento. tumatagos po sa puso't isipan.
    best of luck!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hi animus. salamat naman at muli kita nakita.

      happy 3rd year blogsary ulet ^^

      Burahin
  4. napakalupit mo talaga parekoy! mahirap kalabanin itong akda mo :)goodluck parekoy!


    jayrulez

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ikaw pala sir jay. salamat po. binasa ko ang iyong entry at ako'y namangha sa ganda ng iyong lugar. kwento pa lang yan ha. lalo akong mamamangha kung makakarating ako sa lugar mo..

      maraming salamat sir :)

      Burahin
  5. its a good story .. all are well blend goodluck on this :)

    TumugonBurahin
  6. parang isang salamin na ang repleksiyon ay ang mga taong nagpapaalipin sa mundo ng komersiyalismo at materyalismo, istorya at lakbay ng iba't ibang uri ng pilipino.

    maganda ang materyal na ito sir! goodluck sa atin :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. maraming salamat sir limarx. pasok sa banga ang iyon punto. hanga talaga ako sa inyong malawak na kaisipan. idol kita sir :)

      marami pang iba't ibang uri ng ating lahi ang naglalakbay sa kung ano anong pangyayari na sumasalamin sa kanyang pagkatao.

      maraming salamat po muli ^^

      Burahin
  7. isang magandang akda ^^ tagos sa puso at isipan ang bawat salita.. Goodluck sa entry ^^

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. maraming salamat po sa inyong pabisita at pagbasa ng aking munting lahok.

      makita po sana kitang muli dito :)

      cheersss

      Burahin
  8. nakikitambay ;-)

    grabeh talaga ang pilipinas anoh. lalo na yung mga filipino. kasi naman wala na kasi mas magandang gawin kundi maging praktikal. ang hirap naman kasi maka realize ng lahat ng probleman sa lipunan tapos wala ka naman kasamang pumasan ng lahat ng realization. so better yet, chill nalng. babaw ko anoh?pero ganun talaga.

    just me,
    www.phioxee.com
    http://phioxeeAwareness.blogspot.com

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hi ma,am phioxee. salamat sa muling pagbisita.

      tama po ang inyong nabanggit. sistema na yata pero sana naman eh hindi :(

      gandang araw po

      Burahin
    2. ay tumatambay talaga ako dito. kasi naman, minsan lang ako makakahanap ng me content na blog.

      Burahin
    3. marami pa pong bloggers ang magagaling sumulat. :) makikita nyo po sa aking blogroll. puntahan nyo din :)

      ung sa inyo po man akoy humahanga. kaganda kasi eh :)

      Burahin
  9. maganda ang pag kaka relpeksyon ng iyong kwento sa ibat ibang mukha ng pamumuhay nating mga pinoy. good luck po sa entry nyo :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. marami pong salamat. maraming mukha ang buhay ng ating lahi. pero ganon pa man, may nagsusuot pa din ng maskara :(

      Burahin
    2. yup may punto ka.. pero d ba ngat mas mahirap arukin ang tunay na mukha sa likod ng maskara, madalas ang mga nagssuoot ay nagtatago lang ng sakit na nadarama.. pero mas maigi nang ang maskarang suot ay gawa sa tinik ng rosas, nang d na tangkain pang masilayan ang tunay na mukha. mas maigi na ang ganun para walang nang iiyak na tala...

      Burahin
    3. may laman ang inyong nabanggit sa hulihan, di yata ay sumasalamin sa inyong karanasan.

      karaniwang nakamaskara ang ayaw magpakilala o may itinatagong ayaw makita ng iba. maraming dahilan. pero hangga't walang basehan o kung meron man, wala pa din sa atin ang karapatang humusga. pero ganun pa man, sa ating sarili at kung anong karansan o bagay na tumitimo sa ating isipan. malaya nating mabibigyan ng pakpak upang lumpidad sa kalawakan.

      Burahin
  10. Iba't ibang mukha, estado sa buhay at manlalakbay.. bali-baligtarin man, gawing kumplikado o kahit mag-fill in the blanks pa, kilala kasi PINOY yan! Good luck po dito.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sabi nga daw, walang katulad ang pinoy. kahit saang bans pa tayo, makikilala at makikilala mo sila. :) parang ina sa anak. lukso ng dugo :)

      gandang araw po :)

      Burahin
  11. Mula sa pulubi, sa prostitute, sa corporate slave, negosyante, OFW, pulitiko, hanggang sa mapareflect ako sa sarli ko... Ang galing. Totoo nga, hindi lang ang taong grasa at mga palaboy ang totoong pulubi. Lahat tayo namumulubi sa iba't-ibang levels. Sino na lang ang totoong mayaman?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. tama sir glentot. lahat ng inyong nasabi ay aking nabanggit sa kwento. abng galing nyo sir. :)

      ang totoong mayaman ay tayo pa rin. ikinukubli lang tayo ng kahirapan dahil sa sistemang umiiral sa atin. may sistema pero hindi nasusunod. nagiging makasarili tayong lahat dahil dito.

      magandang araw po :)

      Burahin
  12. napaka ganda .. mahusay .. nakakainspire magsulat ng magsulat .. :) bisita rin po kayo sa blog ko ..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hay ma,am galing ako sa inyong bahay. pumalo na din :)

      maraming salamat po sa pagbasa :) sana muli tayong magkita ^^

      Burahin
  13. malayo pa ang ating lalakbayin patungo sa kung saan talaga tayo....good luck sa entry mong ito..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hindi pa natin natatanw ang dulo ng daan :)

      maraming salamat po sir arvin

      Burahin
  14. salamat po ulit sa pagbisita sa blog ko ... :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hay ma,am galing ako sa inyong bahay. pumalo na din :)

      maraming salamat po sa pagbasa :) sana muli tayong magkita ^^


      inulit ko lamang po ung nasa taas :) kita ulit tayo :)

      Burahin
  15. Lagi mong itinataas ang antas ng ating wika sa iyong sulatin Sir Banjo. Isa ito sa dahilan kung bakit masarap namnamin ang wikang Filipino. Kahalintulad ito ng ating barong tagalog, ng kutsilyo ng mga taga- Batangas, ng danggit ng mga taga- Cebu at durian ng mga taga- Davao.

    Sa paksang inihayag mo dito ay naging mas malalim ang paglalakbay bilang ibinigay na paksa ng timpalak ng SBA. Ito'y paglalakbay nating mga Pilipino ano mang antas ng pagkatao natin sa lipunan. Amusin o nag-aanyong Diyos man. Dalisay o nagaanyong puro lamang.

    :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Wikang filipino ang aking gamit dahil ito ay atin, hindi natin hiram, may kalayaan natin magagamit.

      Tulad mo sir jkul, itinataas mo din ang antas ng ating wika sa iyong sulatin. Ikaw ang aking idol :)

      sana may entry ka sa SBA o kung hindi man, sumulat ka ng naayon sa kanilang tema. Gusto kong muling makabasa ng iyong akda.



      Burahin
  16. hanep! isama pa natin ang paglalakbay ng ating supot na karapatan sa paglalahad ng nararamdaman. malayo pa ang ating lalakbayin. sana, sa dulo ng biyaheng ito, mapulot natin ang ating sarili na nakangiti.

    mabuhay!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. tuli na dati pa ang ating karapatan sa paglalahad ng ating damdamin. nagiging supot muli ito dahil sa pagpapatibay ng batas na siyang nagpalambot sa pagiging patigas nito at ng malaoy naging supot nga :)

      maraming salamat po sa inyong muling pagbisita :)

      Burahin
  17. Ano't ano man sana hindi tayo magpatangay sa sistema. Sana matuto pa tayong tayuan ang ating mga sariling paniniwala. Gaya nga ng sinabi mo Marami pa tayong maaring patunguhan.

    Isang magandang akda sir. Kudos :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. maraming salamat sir bagotilyo.

      tintanong ko tuloy sa aking sarili, ganon na ba talaga kalala ang pagkagutom nating mga pinoy at pati ang sariling sistema ay nilalamon. Ang hirap hagilapin ng kasagutan. Madami kasin :(


      hanga ko sa iyong entry para sa SBA. panalo sir :)

      Burahin
  18. hello, banjo... ang husay talaga ng imaination mo, kapatid. good luck sa iyong entry :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hello ma,am, salamat po sa inyong pagbasa.

      Kelan po ang muli ninyong post :)

      magandang araw po ^^

      Burahin
  19. masiyadong malalim ata ang pag huhukay mo parekoy. very nice artiks!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sir, maraming salamat po.

      lumalalim ang gabi pero hindi nahuhukay :) parang ganon ang ginawa kong pagpanday.

      maraming salamat po muli ^^

      Burahin
  20. This is the precise weblog for anybody who needs to seek out out about this topic. You notice so much its almost arduous to argue with you. You positively put a brand new spin on a subject that's been written about for years. Nice stuff, simply nice!

    TumugonBurahin
  21. God bless Dr.Okwuezeala for his marvelous work in my life, I was separate with my husband for the pass 3 year now and I wasn't satisfied i needed to get my husband back because the life of loneliness was so terrible for me and my 2 kids I searched about some possible spell caster that can bring back lover and i then come across Dr.Okwuezeala i saw a comment about Dr.Okwuezeala, how he bring lovers together with his spell caster I contacted him and he guided me. I asked for solutions, he started the remedy for my spell he ask for some information which i sent to him and also told some few things to do, after 48 hours my husband call me and start bagging me for forgiveness for all that happens i am so happy right now that we are back again as one family. If you are in the same situation right now and you don't know what to do or where to go, you can contact Dr.Okwuezeala today on dr.okwuezeala.temple@gmail.com

    Whatsapp:- +2348123446245

    he can help you out of that you situation.

    TumugonBurahin